top of page

Perpektong ‘Di Perkpektong Plano

  • Writer: Nica Hernaez
    Nica Hernaez
  • Jun 23, 2022
  • 2 min read

Nakagiginhawang isipin kapag ang isang lakad ay planado, pulido ang pag latag ng mga gagawin, kabisado ang mga rutang tatahakin. Walang puwang ang alinlangan sa mga taong may mga patutunguhan— kalkulado nila ang bawat kilos at memoryado ang kamay ng orasan.


Tulad ko noong Martes, alam kong dalawang liko na lang ay matutunton ko na ang lugar na sinadya ko nang araw na iyon. Bago umalis nang bahay, tiningnan ko pa ang lagay ng panahon sa pag-asang sasang-ayon sa akin ang haring araw—mayroon lamang limang pursyentong posibilidad na uulan sa hapong iyon.


Tirik ang araw nang marating ko ang makasaysayang bahay ni Kapitan Moy sa Marikina. Habang hinihintay ko ang mala-gintong liwanag bago ang takip-silim, pinanood ko ang grupo ng mga estudyanteng nag-eensayo ng sayaw.


Bumibilang sila sa mga bibig, sabay-sabay ang galaw, praktisado ang mga ngiti—tulad ko ay may plano sila, pulido, kalkulado, at kabisa. Ganito rin ang grupo ng mga napadaang nag bibisikleta na nakasabay ko sa pag bili ng tubig sa karinderya. Pinag uusapan nila ang susunod na lugar na kanilang tutunguhin.


Unti-unting kumulimlim ang ang kalangitan, kasunod nito ang pag-patak ng ulan. Sa lilim ng isang establisyamento, sabay-sabay kaming kumaripas ng takbo. Noong humupa na ang ulan, isang humahangos na lalaki habang nakabisikleta ang alinlangan lumapit sa akin at sa mga estudyante—nawawala daw aniya ang telepono nito at nagbabakasakaling nakita namin sa karinderya. Sinong mag-aakalang isa pala sa mga estudyante ang nakakuha ng telepono?

Planado ang araw ko, ng mga estudyante at lalaking nagbibisikleta, kabisado namin ang mga gagawin at rutang aming tatahakin.



Nang araw na iyon, nabahiran man ng ulan ang kanya-kanya naming perpektong plano, sumilay naman ang pag-asa sa gitna ng walang kasiguraduhan. Kasabay ng pag ngiti ng lalaki, sumilay uli ang araw, muntik mang ‘di sumang ayon sa amin ang tadhana, masaya naming tinuloy ang aming mga nahintong gawain.

Comments


Post: Blog2 Post

09281990030

  • LinkedIn
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter

©2019 by Job Mismatch Removers. Proudly created with Wix.com

bottom of page