top of page

Mga Tanong ng Manunulang Walang Talento

  • Writer: Nica Hernaez
    Nica Hernaez
  • Apr 1, 2022
  • 1 min read

Mamahalin mo ba ako kahit 'di ako marunong sumulat ng tula ? Mamahalin mo ba ako Kahit pag-gigitara ay 'di ko magawa ?

Tatanggapin mo ba ako Kahit ang boses ay laging paos? Tatanggapin mo ba ako Kahit ang pagsasayaw ay 'di ko matapos-tapos?

Pipiliin mo ba ako Kahit hindi sanay ang kamay sa pag pinta ? Pipiliin mo ba ako Kahit nanginginig ang mga palad sa tuwing hahawak ng raketa?

Kase ikaw--- Palagi kitang mamahalin Tatanggapin At pipiliin Nang walang katapusan Kahit ni minsan 'Di mo ako isinama sa iyong Pagpipilian


Recent Posts

See All

Comments


Post: Blog2 Post

09281990030

  • LinkedIn
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter

©2019 by Job Mismatch Removers. Proudly created with Wix.com

bottom of page