Daluyong
- Nica Hernaez
- Apr 1, 2022
- 1 min read
Malungkot ang kalangitan
Pero mas malungkot ako
Bago pa man pumatak ang unang ulan
Mas nauna na ang mga luha kong magsipatakan
Talagang masama ang panahon ngayon, sabi nila
Pero mas masama ang aking nararamdaman, Mali sila
Galit ang hangin
Ngunit mas galit ako
Kaya ng hangin na magpatumba ng pader na 'di sementado
Pero kaya ko atang magpatumba ng tao
Mataas na ang baha sa mga kalsada ,lagpas tuhod
Pero mas mataas ang pagka- muhi ko sayo ,lagpas tao nakakalunod
Grabe ang pinsala ng bagyo noong umalis ito
Pero mas grabeng pinsala ang dinulot mo noong umalis ka sa tagpuang ating binuo




Comments