kisapmata
- Nica Hernaez
- Apr 1, 2022
- 1 min read
Nabihag mo ako... sa bawat salitang ginamit mo Nilagyan mo ng tugma Ang bawat salita, ang saknong at mga talata
Inakit ako ng mapang-halina mong tinig Tila musika ang bawat mong salita sa aking pandinig Hinahanap hanap ka at gustong maulinigan Para akong leon sa kagubatan... Nagugutom at nauuhaw sa atensyon mo
Ginoo,ginulo mo ang mundo ko Hindi ako sanay na laging nag aabang O nag babantay sa bawat kilos mo Pero mistulang binago mo ang paniniwala ko
Tinuruan mo akong mangarap Sa ilalim ng makulimlim na ulap Hinawakan mo ang kamay ko Ipinaramdam mo na hindi na ako mag iisa Hindi na muli... Hindi na kailan pa
Bumagyo ng pagka-lakas lakas subalit hindi ako dinapuan ng takot pangangamba, lungkot o yamot Habang yakap yakap mo ako Nasisigurado ko ang kaligtasan ko
Sinanay mo ako sa presensiya mo Sinamahan mo akong lumipad, Hindi mo ako iniwan sa ere Bagkus kasama kitang bumaba sa lupa ng perpekto ang pagbagsak hindi ako nasaktan kailanman
Pero akala ko lang pala iyon... Subalit wag kang mag alala hindi ako galit Hindi ako napoot sayo Ni pagka suklam ay wala sa bukabularyo ko
Hinanap ko ang rason bakit mo'ko nilisan Sa pagitan ng takip silim at bukang liwayway Nahanap ko ang kasagutan
Hamak ng Mortal nga lang pala tayo Hindi natin hawak ang bawat kinabukasan Patawad kung wala akong nagawa Upang dugtungan ang buhay mo
Masyado ka kaseng masikreto Tinago mo, Nilihim ang bawat hibla ng impormasyon Sa totoo mong kalagayan Ngayon,sabihin mo paano ko haharapin ang bawat kinabukasan?




Comments