top of page

Kapag Wala si Mama

  • Writer: Nica Hernaez
    Nica Hernaez
  • Apr 1, 2022
  • 1 min read


Madalas akong maiwan sa bahay kasama ang aking ama at dalawang kapatid na lalaki. Kapag wala si mama, ako ang reyna ng kusina.

Malaya akong makapipili kung ano ang lulutuin ko—depende na lang kung pasok sa budget. Isa sa mga unang putahe na natutunan kong lutuin ay adobo. Hindi ako tinuruan, hilig ko lang talaga manood tuwing nagluluto si ate o si mama.

Maliban sa madaling lutuin ang adobo, paborito ito nang halos lahat ng tao sa bahay. Nakatutuwang isipin na iba-iba kami ng recipe ng adobo, kahit ‘di mo nakita kung sino ang nagluto, alam mo na agad kung sino ang salarin sa lasa pa lang. Para sa akin, sinasalamin ng pagluluto ang pagmamahalan namin sa bahay, kami ang sangkap at rekado na palaging dinadarang sa apoy na bagkus masira ay mas tumitibay.

Dati, sa tuwing sinasabi nilang pagmamahal ang sikretong sangkap upang mapasarap ang lutuin, palagi akong natatawa. Ngayon, palaging akong natutuwa dahil tama nga sila, pagmamahal ang sangkap na ‘di kayang pisikal na mahanap saan man, ngunit kayang ibigay nino man.


Unang Larawan: Sa pamilihan nagsisimula ang lahat. Mula rekados hanggang karne, matatagpuan saan mang sulok ng palengke.


Pangalawang Larawan: Mahalagang linisin ang binibiling karne upang matiyak ang kalidad nito.



Ikatlong Larawan: Iba’t ibang pampalasa ang nagpapakulay sa bawat lutuin.


Ika-apat na Larawan: Upang manuot ang sangkap, Ibinabad sa iba’t ibang pampalasa ang karne.


Ikalimang Larawan: Lutuin sa apoy ang putahe upang lumabas ang natural na lasa nito.


Ika-anim na Larawan: Pagkatapos lutuin, hayaan na bahagyang humupa ang init bago ihain.


Ikapitong Larawan: Budburan ng pagmamahal ang bawat luto, tiyak na busog ang iyong tiyan at puso.


Ikawalong Larawan: Katakam-takam na hitsura ang siyang umaakit sa bawat sikmura.



Comments


Post: Blog2 Post

09281990030

  • LinkedIn
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter

©2019 by Job Mismatch Removers. Proudly created with Wix.com

bottom of page