Sa Bawat Pilat
- Nica Hernaez
- Jun 26, 2022
- 3 min read

Kumbaga sa isang pelikula, napakaraming twist ng taong 202 1 lalo na sa larangangan ng isports. Mula sa makasaysayang pagkapanalo ng unang gintong medalya sa nagdaan Tokyo Olympics, hanggang sa iba't ibang patimpalak sa mga karatig bansa, pinatunayan ng mga atletang Pinoy na hindi pa sila kinakalawang.
Tunay ngang kamangha-mangha ang pusong inilaan ng mga atleta natin upang ipanalo ang bawat laban. Gayunpaman, hindi mawawala ang mga minsang pagkatalo at hidwaan. Kaya naman, balikan natin ang mga nagdaang tagumpay, pagkabigo at pakikibaka na siyang bumago sa mukha ng isports sa ating bansa.
Napawi ang pagkauhaw ng ating bansa sa nagdaang 2020 Tokyo Olympics, nang magtala nang bagong records sa bilang ng medalyang naiuwi ng ating mga manlalaro. Una na riyan ang 2-time olympic medalist na si Hidilyn Diaz. Mula silver sa nagdaang Rio Olympics, nasungkit niya ang inaasam na ginto sa kategorya ng women's 55 kg. Talaga namang inanggat ng weightlifting star na si Diaz ang pagtingin sa mga Pilipino lalo na sa mga kababaihan sa tagumpay niyang ito.
Sa kabilang banda, napasuntok naman sa ere dahil sa tuwa ang mga pinoy nang maguwi ng tatlong medalya ang mga kalahok natin sa larangang ng boksing. Napitas ni Nesthy Petecio sa women's featherweight at ni Carlo Paalam sa men's flyweight ang 2 silver medals, habang tagumpay din na nakuha ni Eumir Marcial ang bronze medal sa Men's middleweight.
Samantala, bigo man makasungkit ng karanggalan si Margielyn Didal sa skateboarding, nananalo naman siya sa puso ng masa ng ipakita nito ang masayahing personalidad sa kabila ng pagkabigo.
Agad namang bumangon mula sa pagkabigo sa nagdaang Olympics si Carlos Yulo nang ipanalo nito ang vault event sa nagdaang Gymnastics World Championship sa Japan. Naagaw man ang korona niya sa floor exercise, nasungkit naman niya ang silver medal sa parallel bars. Patuloy pa ring gumagawa ng inggay ang batang atleta sa pamamagitan ng pagsali sa kilalang patimpalak.
Naging kontrobersiyal man ang isyu sa pagitan ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) at ni EJ Obiena noong nakaraang taon, hindi maikakaila na gumawa ng panggalan sa laranggan ng Pole Vaulting ang 26-anyos na atleta. Sa katunayan, umukit ng bagong record na 5.93-meter mark si Obiena, pinakamataas sa buong Asya.
Nagbunyi naman ang mga online gaming fans nang durugin ng Blacklist International ang
ONIC PH sa nagdaang Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) Professional League Philippines. Tuloy tuloy na nga rin ang kasikatan ng kopunan na kalauna'y talunin nito ang Nexplay Evos, 4-1 sa best-of-7 series. Dahil dito, nabigayan ng oportunidad ang mga batang kampyeon na irepresenta ang Pilipinas sa darating na Sea Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam sa mayo.
Balik naman tayo sa loob ng ring, pinatunayan ni Nonito "the flash" Donaire na hindi pa niya handang isabit ang boxing gloves hanggang kaya pa niya. Ito ay matapos niyang pataubin ang kapwa pilipino na si Reymart Gaballo via knockout sa 4th round bandang 2:59 sa Carson, California. Matapos ang tagumpay na ito ni Donaire, inaabangan naman ng marami ang laban niya kontra Naoya Inoue, handa raw pataubin ni the flash ang pambati ng Japan kung sakaling maikasa na ang laban nilang dalawa. Ikinatuwa din ng mga boxing fans ang pagkapanalo nina John Riel Casimero, Jonas Sultan, and Mark Magsayo na mga kapwa nagwagi sa iba't ibang dibisyon.
Tawid naman tayo sa mga kababaihang nag inggay rin ang mga panggalan sa laranggan ng isports. Isa na nga dito si Yuko Saso sa larangan ng Golf, matapos niyang ipanalo ang US Women's Open title. Matatandaang isa si Saso sa mga naging delagado natin sa Tokyo Olympics kasama sina Bianca Pagdanganan at Juvic Pagunsan. Nakalulungkot na balita naman ang umugong noong Nobyembre, matapos kumpirmahin ng kampo ni Saso na hindi na niya irerepresenta ang Pilipinas, ito ay matapos niyang magpalit ng citezenship.
Hindi rin naman nagpahuli si Alex Eala sa larangan ng tennis na naguwi ng kanyang kaunaunahang professional title sa ginanap na W15 ITF Manacor tournament. Gayundin naman si Jack Animam, ang kauna-unahang Pilipina basketbol player na makakapaglaro professionally abroad. Tunay ngang wala sa kasarian ang lakas at tibay para iwagayway ang bandila ng Pilipinas.
Wala na nga atang makakapantay sa nag aalab na puso ng mga atletang ito na binubuhos ang buong lakas, makapag-uwi lang ng karanggalan sa bayan na kanilang sinilangan. May medalya man o wala, saludo ang sambayang Pilipino sa mga magigiting na bayaning ito.
Sa bawat pilat, gasgas, pilay at sakit sa katawan na iniinda ng ating mga manlalaro, nakasisiguro akong hindi ito ang huling pagkakataon na tayo ay magwawagi at hahakot ng mga pagkilalang susukli sa lahat ng sakripisyo nila. Pinadapa man tayo ng pandemya sa taong 2021, Itinayo naman tayo ng magigiting na atletang pinoy. Bakas ito sa kanilang bawat pilat, gasgas, pilay at sakit sa katawan, kaya naman, walang sawa akong sasaludo sa kanila, at sigurado akong bawat Pilipino ay ganoon rin.

Comments